Abe John Obordo
Bata pa lang ako noon ng iniwan kami ng aking ama, iba ang naging buhay ko kaysa sa normal na mga bata, naiingit ako sa tuwing nakikita kong masaya ang isang pamilya at buo. Di kagaya ko na hanggang ngayon ganun pa din ang nasa puso ko, ang pag babakasakali na makita ko siya sa bandang huli, matanong man lang bakit nya kami iniwan. Pero halos hindi ko na rin matandaan ang kanyang mukha dahil ako'y batang musmos pa lamang noon. Minsan naiisip ko na lang tuloy paano kung wala na sya at umaasa pa rin ako na magkikita kaming muli? Sa tuwing naiisip ko ang aking kabataan, hanggang ngayon lungkot at luha ang aking nararanasan, dahil nga sa hindi ako nakaranas na lumaki na may ama. Tinaguyod ko ang aking sarili kasama ang aking ina at mga kapatid. Sa murang edad halos nagtrabaho na ako para suportahan ko ang aking pag-aaral at pamilya. Naging matatag ako sa bawat pagsubok at hamon ng buhay dahil sa mga pinag dadanan ko.
Kahit andito na ako sa Kuwait hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang tanging hangad ko na sa banding huli o sa pag uwi ko ay makita ko na sya, dahil sa pananabik na makapiling ko ang isang tinatawag na ama. Walang ama na nag turo sa akin kung paano mamuhay ng matatag. Walang ama na dumadalo sa tuwing ako ay may award sa school. Malungkot man isipin pero nandito na ako at ito na ang naging buhay ko. Pinagdadasal ko na lang na sana man lang maisip nya na bumalik sa amin kahit makita ko man lang sya at mayakap. May galit man ako sa puso pero alam ko tao lang ako at hindi mabigat sa akin ang magpatawad. Minsan pag nag iisa ako naiiyak na lamang ako sa tuwing naiisip ko ang aking kalagayan. Isa na rin akong ama kaya ginagawa ko ang lahat na wag matulad ang anak ko sa aking naranasan. Gagawin ko ang lahat na sa bandang huli ay maipagmamalaki niya ako.
Kaya hindi naging madali sa akin ang buhay dito sa Kuwait, sa bawat araw na ginawa ng diyos ay sumasagi pa rin sa isipan ko ang aking ama, kung alam nyo lang kung gaano kahirap ang lumaki na walang ama. Kahit andyan ang nanay pero iba pa rin ang lumaki na mayroon kang kumpletong pamilya. Sa tuwing ako ay nag iisa tanging rooftop ng building namin ang aking tambayan. Gusto kong isigaw sa buong mundo ang sama ng loob ko. Pero sabi ng mga kaibigan ko i have to move on at harapin ko na lang ang ngayun. Dahil kung talagang magkikita kami naka tadhana na iyon. im blessed nman to have friends na hindi ako iniiwan sa ganitong sitwasyon ko. Sila ang tanging nahuhugutan ko ng lakas dito sa
Ang Kahapon, Ngayon at ang Bukas…
Abejohn Obordo
Bawat isa sa atin ay may nakalaan na swerte sa buhay.kadalasan may mga bagay na humahadlang sa ating mga pangarap. Gustuhin man nating sumuko at huwag ng isakatuparan itong mga pangarap. Lingid sa ating kaalaman na ang mga bagay na ito ang maaring magbigay daan para matutunang maging matatag kahit sa ano mang mga pagsubok sa buhay. Minsan sa ating akala, ang ginhawa sa buhay ay ipinagkait, subalit alam ba natin na lahat ng tao ay pareho lamang ng mga pinagdadaanan? Ang swerte sa buhay ay bunga ng pagsisikap at pangarap na nais nating makamtan. Bawat isa sa atin ay may mga nais sa buhay at bawat kabiguan ay hindi sapat na batayan upang tayo ay sumuko. Sabi nga sa awit na Maghintay ka Lamang…
“ ang kailangan mo’y tibay ng loob kung mayroong pagsubok man ang liwanag ay di magtatagal at muling mamasdan ikot ng mundo ay hindi laging pighati’t kasawian ang pangarap mo ay makakamtan basta’t maghintay ka lamang”
Isa lamang akong musmos ng marinig ko ang awiting ito at hindi mawala sa aking isipan sa tuwing ako ay humaharap sa mga pagsubok sa buhay. Alam ko na ang lahat ng tanong ay may kasagutan at hangganan. Ang buhay ay tulad ng isang gulong na minsa’y nasa itaas at minsa’y nasa ibaba, sa iba naman ang buhay ay weather weather lang yan. Ano man ang pananaw natin, tayo po ang tanging huhubog sa ating bukas.
Isang araw sa sandali ng aking pamamahinga, binuksan ko ang TV at isang nakakaantig na kuwento ang aking napanood. Ito ay salaysay ng isang bata na pinagkaitan ng ginhawa sa buhay, sa kanyang murang edad lansangan ang kanyang tahanan. Hirap at pighati ang kanyang naranasan dahil sya ay pinagkaitan ng pamilya at magulang, walang pagmamahal at pag aaruga sa murang edad. Halos hindi ko lubos maisip kung paano nya itinaguyod ang kanyang sarili na mamuhay ng kawalan. Sa edad na anim ay wala ng kumalinga sa kanya, binuhay ang sarili sa pamamagitan ng pamamalimos at pagbabanat ng sariling buto. Hindi siya nawalan ng pag asa at patuloy nilabanan ang bawat pagsunok. Isa lamang sya sa milyon-milyong kabataan ngayon na nasa lansangan at lumalaban sa hirap at hamon ng buhay. Naisip ba natin ito kung paano sila nabubuhay? Marami sa atin ang dumaranas ng kaginhawahan sa buhay subalit bakit hindi matapos ang ating mga pangangailangan? Hindi natin masisi sa ibang tao ang kapalaran ng isa’t isa sa atin subalit kung tayo ay magtutulungan ay hindi malayo na mabibigyan natin sila ng kahit na karampot na tulong. Sana sa bawat subo natin ng masasarap na pagkain,pag higa sa malambot na higaan at pamumuhay ng marangya, ay sumagi sa ating isipan ang ating mga kababayan na lugmok sa kahirapan. Halos hindi ako magkamaliw habang nakikinig ako sa hinaing nya sa hirap ng buhay, hindi naman daw sya sumuko na mangarap pero talagang masasabi nya na isa sya sa pinagkaitan ng gnhawa sa buhay. Sinikap na magkaroon ng pamilya subalit pilit namang pinag pinaglayo ng tadhana.
Naging aral sa akin ang buhay ng batang ito, alam ko na hindi habang panahon ay nasa ibayong lugar at kumikita ng malaking halaga. Paano kung dumating na ang panahon na tayo ay wala na rin sa bansang ito, Sana hinay hinay din po tayo sa lahat ng bagay lalong lalo na sa mga material na aspeto ng ating buhay dahil ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Pahalagahan din po natin ang ating mga mahal sa buhay dahil sila ang nagbibigay ng lakas ng loob at inspirasyon sa atin para sa patuloy na pakikibaka sa ibang bansa.. Sa bawat halagang ating naibibigay sa kanila, tuwa ang dulot nito. Ito ay patunay lamang na ang kapalit ng luha at pawis ay hindi nasayang. Hindi madali sa isang kagaya natin ang mamuhay sa bansang banyaga na halos lahat ay salungat sa ating paniniwala. Marami rin sa atin ang hindi pinapapalad sa pangingibang bansa, dumaranas din ng hirap at saklap sa buhay pero ito ay nagaganap sa bawat takdang panahon. Patuloy lang po tayong mangarap at wag magatubiling humingi ng saklolo sa maykapal. Isipin natin na sa bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay na hindi po ito ang katapusan sa mundo. Ang bawat bato na ating nadadaanan sa buhay ay mga bagay na hindi natin dapat kalimutan samakatuwid ito ay dapat nating balikan dahil ito ang magbibigay sa atin ng inspirasyon na patuloy na lumaban.
Wag po nating kalimutan ang kahapon, buong tapang na harapin ang ngayon at wag mawalan ng pag asa na antayin ang bukas
Bagong Buhay sa Bagong Taon
abejohn Obordo
Parang kailan lang at natapos na ang taong 2007. Ano nga ba ang mga bagay na dumaan sa ating mga buhay sa taong ito. Maraming masasaya at malulungkot na kuwento ang pinagdaanan mula sa ating mga sarili, pamilya, kaibigan, trabaho at problema sa bansang pinanggalingan. Sa tuwing sasapit ang bagong taon marami ang nagtatanong, kung ano ang ating mga new year’s resolution? Puro ito SANA at DAPAT…may mga nagsasabing
‘Sana sa taong ito wala ng kaguluhan at pagkakaisa na lang ang isipin ng bawat tao.’
‘ Dapat ay tigilan ko na ang aking bisyo na makakasira sa buhay ko’
iilan lamang yan sa mga hiling natin tuwing sumasapit ang bagong taon. Familiar tayo sa isang pinoy song na may linyang
“ bagong taon at mag bagong buhay ng lumigaya ang ating bayan”…
kinanta mo ano? Isa lamang ito sa mga linya doon sa kanta na minsan nang naging parte na ng buhay ang pagbabago, kung iisipin natin ay hindi naman kailangang hintayin pa ang bagong taon para mag bagong buhay. Dahil ang pagbabago ay nasa sarili rin natin kung paano natin talunin ang mga tukso na nakakasira sa ating buhay at ating kapwa tao. Mga kabayan gawin po nating bagong taon at pagbabagong buhay ang bawat araw na ginawa ng diyos. Na sa tuwing tayo ay nagigising at nakikita ang ganda ng buhay gawin nating inspirasyon ito para harapin ang bawat pagsubok sa ating mga sarili, pamilya at sa mga taong nakapaligid sa atin. Hindi po biro o madali ang responsibilidad sa buhay dito sa ating mundong kinagagalawan, dahil para tayong isang ubra maestra ng ating mahal na tagapaglikha na inalay ang buhay para tubusin ang ating mga kasalanan. Iba’t iba man ang ating paniniwala o pananampalataya sa kahulihulihan iisa lang ang pinagmulan.
Lahat naman tayo ay mayroong mga SANA at DAPAT sa pagsapit ng bagong taon. Pero marami pa rin sa atin ang hindi nasusunod ang mga kahilingan na ito, dahil tayo mismo ay hindi handa para sa mga pagbabagong ating hinahangad sa buhay. Determinasyon at pagsisikap ang tanging susi para ating
maabot ang mga bagay ng ito. Sa personal kong karanasan marami din akong mga SANA at DAPAT tuwing sasapit ang bagong taon. May mga bagay na hindi rin inaasahan na dumarating. Minsan isa lamang ako sa mga malugod na tagasubaybay ng The Filipino Magazine na dati’y Q8 pinoy pa. Natatawa sa mga jokes, naiinspire sa bawat pahina na aking nababasa at nakikita ang mga kaibigan ko sa snapshots. Sinabi ko sa sarili na SANA balang araw ay ako rin ang makikita at mababasa nila sa magasin. Taong 2007 nabigyan po ako nga pagkakataon na makilala ang mga taong nasa likod ng magasin na ito. “GOD is so Good” at isa sa mga SANA ko ay natupad na, nakakasama na ako sa mga bawat pahina na inaabangan ng ating mga kakabayan dito sa Kuwait. Hindi po pala ganun kadali lalong lalo na sa isang kagaya ko na nangangapa pa lang sa larangan ng pagsusulat, minsan baluktot na pagtatagalog pero ang importante ay naiintindihan ng aking mga taga subaybay. At patuloy nilang tinatangkilik ang aking column na nagbibigay sa akin ng inspirasyon na ipagpatuloy ang nakahiligan kong ito mahirap man pero nawawala ang lahat ng pagod at puyat ko sa tuwing na iisip ko na marami sa inyo ang natutuwa at naiinspire sa aming naisusulat. Sana patuloy ang pagkakataon na ito na makakasama kayo.
Aminado ako na ito ay isang subok lamang, dahil sa pagkakataong dumating at sa hilig ko rin na magsulat. Malaking karangalan din sa akin na bigyang tiwala ng mga kapwa ko pinoy dito sa Kuwait lalong lalo na pagdating sa mga personal nilang buhay. Iba’t ibang larawan ng buhay ang aking nakakasalamuha sa bawat tanong na aking natatanggap mapa text man o emails na nakakapagbigay sa akin ng inspirasyon. Walang mahirap sa buhay na abutin kung tayo mismo ay magpakita ng buong tapang at tiyaga na makuha o maabot ang ating mga munting pangarap.
Sabi ko nga sa aking sarili tuwing ako ay nag-iisa, “I am just a dreamer””. Aminado ako na hindi rin kami ganun kayaman para maranasan ang karangyaan sa buhay. May mga bagay dati na gusto kong makuha pero hindi napapa sa akin, ang sabi ko na lang sa sarili ko, balang araw darating din siguro na makukuha ang mga gusto ko.Bawat isa sa amin ay nagsumikap, Nakatapos ako ng pag-aaral at mapalad na napunta dito sa Kuwait. Hindi naging maramot sa akin ang kapalaran dahil maganda naman ang ibinunga ng pakikipagsapalaran ko sa ibang bansa. Namuhay ng simple, unti-unting naranasan ang ginhawa sa buhay at nabigyan ng kaligayahan ang aking magulang at pamilya sa Pilipinas. Walang imposible sa buhay kung tayo ay determinadong harapin ito. Mga bagay na dapat natin isaisip na Sa bawat pagkadapa, kayanin po nating bumangon, Sa bawat pagkakamali sa buhay gawin mong malaking leksyon na dapat nating itama, sa bawat taong iyong naging kaaway pagpapatawad ang iyong maging hanggad, sa bawat pagsapit ng dilim ay may liwanag na naghihintay At sa bawat estorya ay may umpisa at may katapusan.
Isa lang po ako sa magpapatunay na hindi po masama ang mangarap o umaasa, dahil lahat tayo ay may nakalaang plano sa panginoon. Sabi nga nila nakaguhit na sa ating mga palad ang buhay na ating makakamit. Pero para rin itong isang halaman na tutubo kung itatanim pero pag hindi mo diniligan ay mamatay din. Ang swerte ay nandyan lang yan sa bawat isa sa atin kung hindi man ngayon,baka bukas o sa mga darating pang panahon depende kung paano mo gawing maayos ang iyong buhay. Marami sa atin ang nawawalan ng pag-asa konting pagsubok lamang ay ayaw ng ituloy ang laban mga kabayan hindi po natin malalaman kung gaano tayo katatag kung takot tayong harapin ang mga ito. May kasabihan nga tayo na “Try and try until you succeed”. kaya wag po natin bigyan ng limitasyon ang ating mga sarili, palawakin po natin ang pag iisip at manatiling matatag sa bawat unos na haharapin. Walang bagay na mahirap kung tayo mismo ay magsusumikap. ang buhay ay weather weather lamang iyan minsan Masaya at minsan naman malungkot, lahat po tayo ay nakakaranas ng ganitong sitwasyon kaya wag mong isipin na ikaw ay nag iisa. Maswerte pa rin tayo dahil nabubuhay at nakakasama ang ating mga mahal sa buhay. Isang napakalaking regalo ang bawat araw at taon na dumadating sa atin.
Sa taong ito wag po natin hayaan na mamahay ang sama ng loob sa ating mga puso, buksang muli sa mga taong minsan nating sinaraduhan. Dahil ang taong may puot o sama ng loob kailan man ay hindi magiging Masaya at uunlad. Walang masama sa pagpapatawad, kung ang mahal na panginoon ay sinakripisyo ang sariling buhay para tubusin tayo sa ating mga kasalanan tayo pa kayang tao lamang. Sa pagbabagong buhay ay isa itong parte na kailangan wag isantabi. Napakaimportante din po ang mga taong nakapaligid sa atin lalong lalo na ang ating mga pamilya, kaibigan at kasamahan sa trabaho na nandyan lang sa tuwing may mga bagay ka na kailangan. Sana ang lahat ng ating mga pangarap ay unti-unti nang maabot at maranasan ang kaginhawaan sa buhay. At ang pagkakaisa ng bawat tao sa buong mundo para sa kapayapaan ng bawat isa sa ating mga bansa. Para Sa ating mga OFW na sana ay bigyan pa tayo ng lakas ng ating mga sarili upang sa patuloy na pakikibaka sa mga bansang banyaga para sa ating mga pamilya at bayan.At higit sa lahat Sana patuloy pa rin ang pagsubaybay sa atin ng ating mahal na panginoon sa ating pagharap sa bawat paghamon o pagsubok na dumarating.
Manigong bagong taon po para inyong lahat, maraming salamat sa patuloy na pag tatangkilik ng The Filipino Magazine. Sana ay magsama-sama pa rin tayo sa taong 2008.
Sana...Sa Araw ng Pasko
abe john Obordo
Mga kabayan kalimutan muna natin ang mga problema dahil sa buwan na ito tayo muna ay magdiwang sa araw ng pagsilang ng ating mahal na tagapagligtas. Sa mga tagasubaybay ko po at nagpapadala ng kani-kanilang mga txt msgs at emails antabayan nyo sa susunod na issue itutuloy po natin ang aking column na ito. Nais ko rin po iparating sa ating mga kababayan, kong kayo ay may problema tungkol sa legalidad lalong lalo na sa ating Embahada o OWWA nais ko lang ipaalam sa inyo na mas mabuti ay magsadya po kayo doon o tumawag sa kanilang mga numero na nakalatha dito sa filmag para mabigyan kayo na kaukulang aksyon ng ating mga opisyal at tagapamahala sa Embahada o OWWA.
Parang kailan lang at heto na naman malamig na ang simoy ng hangin ano nga ba ang ibig sabihin nito? Sabi nila na pag apak daw ng mga buwan na nagtatapos sa BER ay matatawag na natin na malapit na ang kapaskuhan. Para sa ating lahat ito ang masasayng araw kung saan ay nagsasama sama ang bawat pamilya at mga kaibigan saang sulok man ng mundo. Naglalakihang Christmas trees, magagarang decorasyon, masasarap na pagkain, magagandang damit, mga regalp at mga kumukutikutitap na mga parol at ilaw ang ating nasisilayan sa tuwing kapaskuhan. Pero ano ba ang higit sa lahat na dapat nating pagtuunan sa tuwing kapaskuhan? Marahil lahat tayo ay alam na ito ang kaarawan ng isang sanggol na isinilang sa sabsaban na nag ligtas at umako sa ating mga kasalanan. Sya ang ating mahal na Panginoong Hesu Kristo. Bata pa lang ako noon ang tanging alam ko lang tuwing pasko ay si santa claus na nagbibigay ng regalo, sa tuwing nagsasabit ako ng medyas sa aming bintana, at sa pag gising ko sa umaga ay meron na itong candy at perang laman sa buong pag-aakala ko na dumaan nga si santa claus, lingid sa kaalaman naming mga kabataan na ang aming mga magulang din pala ang naglalagay nito. Isa ito sa mga masasayang alaala tuwing dumadaan ang pasko, sabi nga nila ang pasko daw ay para sa mga bata. Subalit ito po ay para sa lahat, tuwing kapaskuhan ang pagmamahalan, pagkakaisa at pananampalataya ang tema para salubungin ang pinakamahalagang araw sa ating tagapagligtas. Isang bagay na parte ng buhay nating mga kristiano saan mang sulok ng mundo.
Pagmamahalan, ang tanging hiling sa atin ng ating poong maykapal upang umiral ang kapayapaan at pagkakaisa sa ating mundong kinagagalawan. Siguro kung ito lang ang ang tanging gawin natin wala na sanang away at paghihirap o delubyong dumadaan sa buhay. Sabi nila, hanggat may galit ka sa iyong puso ay hindi ka magiging Masaya, isang bagay na mahirap tanggalin sa bawat isa sa atin, hindi maiwasang magalit pero sa akin ang lahat ay pinapasa diyos ko na lamang ang mga taong patuloy na pinupuna ang kahinaan ko. Dahil alam ko ang poong maykapal lamang ang tanging may karapatan para manghusga. Pagpapatawad at pagbibigay ng pagkakataon sa mga taong nagkasala sa atin upang ipakita ang ating pagmamahal sa ating nasa itaas. Dahil sya ang malaking ehemplo sa atin kung paano magpatawad at magpakita ng tunay na pagmamahal.
Ang Pagkakaisa sa bawat hamon na ating hinaharap sa buhay,hindi lang tuwing pasko kundi sa lahat ng panahon. Sabi nga sa bibliya “nasa gitna ako ng mga taong nagsasama sama.” Hindi man natin nararamdaman pero sya ay nasa paligid natin tuwing tayo ay nagtitipon tipon upang tayo ay gabayan upang maiwasan ang gumawa ng masama. Ang pagkakaisa ay isang bagay na maging susi para sa ikauunlad ng ating bayan at kommunidad saan man tayo naroroon. Sana sa araw na ito tayo ay magsama sama sa pagsalubong na nagkakaisa sa kaarawan ng ating mahal na Hesu Kristo.
Sa wikang ingles ang Pamilya ay “The basic unit of our society” dito nagsisimula ang lahat kung paano tayo hinubog at pinalaki ng ating mga magulang. Ika nga kung ano ang tinanim yun din ang iyong aanihin. Ito ang nagiging salamin kung ano tayo ngayon. Replica kumbaga kung paano tayo pinangaralan at binigyan ng mgandang edukasyon ng ating magulang. Tanging pamana nila na ni kahit sino man ay hindi maiibigay at makakakuha ito. Ang pagsasama-sama ng bawat pamilya tuwing pasko ay isang bagay na hindi nawawala lalong lalo na sa ating mga Pilipino.
Ang ating mga Kaibigan, gaano nga ba ka importante ang isang kaibigan? Sya ang isang taong kasama sa saya at lungkot, hirap at ginhawa na dumadaan sa ating buhay. Yung tipong hindi ka iiwan sa lahat ng iyong laban. Maraming mukha ang kaibigan na tinatawag,pero ang higit sa lahat sya ang nag iisang ipaglalaban ka kahit sa ano mang pagsubok sa buhay maliban sa ating pamilya. Marami akong naging kaibigan may nawawala pero may dumadating din na mas lalo akong natoto kung paano mamili ng matatawag kung tunay na kaibigan.sila ang tipong hindi ako tinatalikuran at sa bawat dungis sa aking mukha ay sila rin ang tumutulong sa akin na punasan ito. Sa lahat ng mga taong dumaan sa buhay ko malaking pasasalamat po ang nais kong iparating sa inyo at sa mga nakagalit ko sana kahit hindi na tayo nagsama-sama patuloy pa rin ang respeto natin sa isa’s isa. May mga sari-sarili man tayong buhay ngayon sana ay isipin na lang natin ang mga magagandang bagay nating pinag dadaanan na naging parte ng ating paglalakbay ngayon at pagharap pa sa ating mga buhay. Masaya ako sa mga kaibigan ko kung ano man ang nakakamit nila sa buhay. Dahil alam ko ang mga bagay na ito ay nangyayari sa takdang panahon sa bawat isa sa atin.
Higit sa lahat ang ating pananampalataya, tayo ay namulat sa mundong ito na may paniwala sa poong maykapal. Isang mahalagang araw ang pasko dahil dito natin napapatunayan ang ating respeto at pagmamahal sa ating Poong Maykapal. Sya ang nagdala ng kapayapaan at pagmamahal sa sanlibutan, at sya rin ang nagligtas sa atin sa ating mga kasalanan. Ang tanging mensahe tuwing kapaskuhan ay pagmamahalan, kapayapaan, pagkakaisa at pananampalataya. Ang tanging pamana na kahit na sino ay hindi kayang kuhanin hanggang tayo ay mawala sa mundong ito.
INDAKAN, a dance for a cause.
Abe John A. Obordo
“Indakan” Dance for a cause, a post valentine celebration organized by one of the most recognized Filipino cultural group in Kuwait the (FCC) was held in Ramada Hotel in reggae, Kuwait. The main beneficiary of this event was the oil spill victims in the Province of Guimaras in western Visayas.
The night was filled with love and enchantments as the hall was decorated with red flowers and balloons playing with our all time favorite love songs. February marks as the month of love where all the lovers around the world set this day as one of their memorable moments. A simple program hosted by the one and only brilliant Filipino host in Kuwait Mr. Ricky Laxa, a welcome address was given by the FCC president. A message that gives all the people around an idea about the purpose of the gathering wherein the main concern is to help our kababayan back in the Philippines who suffered from an oil spill in the Visayas region. The guests hold their sits when the Filipinos pride in Kuwait, balladeer Mr. Jummel Carvajal takes the center stage to serenade all the lovely ladies around during that special night. The people then start to stamp their feet as some of the guests and FCC members opened the party with a cha-cha that brings the guests to take into the dance floor, happy faces, various steps and all ages handled to dance regardless of music genre as long as they’re moving with the beat. After an hour of enjoying the breathtaking dance music, a simple sumptuous dinner buffet was opened most likely are the Filipino delicacies. A song goodbye popularized by Martin Nievera was then again rendered by carvajal while people are taking their dinner. After a while dance music starts to play again and some of the students from Philippine international school in fahaheel take a hip hop dance routine to bring back the people into the dance floor. After a night long enjoyment of dancing, a special selection of king and queen of hearts was started, upon entering the hall all the guests male and female are given a broken hearts with a corresponding numbers in it knowing that it will be used for a raffle draw. Much to their surprise when the host of the night requested everyone to stand up and asked them to look for the partner of their broken hearts, people starts to roam around the hall to look for their partner, after a while of searching the first 3 pairs came up the stage and showed that they made their broken hearts into whole again, the final judgment of whom will be the winner was, the 3 pairs were requested to take into the dance floor and requested to dance cha-cha in 2 minutes showdown. The couple who gets the louder applause will take home the title, pair # 3 a retired military official from the Philippines Mr. Asuncion and a 16 year old student from PIES in fahaheel convinced the audience and got the loudest applause to win the title.
The night was graced by our beloved labor attaché Mr. Paul de Jesus and his assistant Elmira Domingo and their staff in POLO and Prominent guests also from the Filipino and foreign community.
The founder and chairman of FCC with the officers extended their appreciations to the media who came over and especially to their sponsors who made this affair possible.
Housemaids salary, a threat to FILIPINO deployment in the middle east...
Abe John A. Obordo
KUDLO Chairman Mr. Abdul-Aziz al Ali talks about the issue regarding the sudden demand of the Philippine Government to raise the basic salary of the Filipina maids to 400 US dollars. An issue that brought different reactions among agencies deploying domestic helpers from the
The sudden demands for the triple increase in salary are quiet hard for any families having Filipina helpers. There are some suggestions from different agencies that instead of increasing it suddenly to 400 US dollars, maybe they can make it as a gradual increase as time passes by.
This new requirement of Philippine Government could bring a negative result in deploying Filipino workers in the Middle East as the GCC reacted in this policy.
Any way poor Filipinos are most likely to be affected by this policy since as we all know
What is happening to the economic status of the
Mr. Al Ali attended the meeting of Saudi recruiting community under the chambers of commerce in KSA which deploy skilled and non skilled workers from different nationals and this is not under to any ministries of the government. 12 people meet in this meeting from KSA,
It is also in the meeting that they will go directly to their government to bring up this topic to our government since their main concern is not only for the helpers but also for our skilled workers entering the GCC. Since if it is the case they will also stop employing skilled Filipinos in the GCC. They are suggesting that 200US dollars salary would be an affordable offer their nationals can give.
Because some families are employing 3-5 Filipina housemaids in their homes, so instead of this, they will take only two or one but the work will be equivalent to 3-5 persons which is too bad also for our helpers.
Still the issue of run a ways will be common because of over worked especially during the holy month of Ramadan wherein hundreds of these cases arrives in our embassy.
We appeal to the Philippine government to make an immediate action for this matter for the common good of our country and to help also the needy Filipinos to work in Kuwait, Said, Mr. Al Ali.
PINOY BIG BROTHER
Ang drama sa totoong buhay sa loob ng bahay ni KUYA…
Abe John A. Obordo
Marami ang nagsubok at marami din ang nabigo. Ibat ibang hamon ang hinarap ng mga housemates,mga hamon na nagbigay ng lakas ng loob sa mga housemates na harapin ang buhay at ang mga taong nakakasama nila sa loob ng bahay. Marami ang natawa at umiyak sa bawat eksenang nakikita ng buong mundo sa telebisyon. Ano nga ba ang buhay ng isang housemate? Dumaan muna sa isang audition ang bawat isa bago mapili ang opisyal na magiging housemates sa loob ng bahay ni kuya ng 126 na araw. Nagmula sa ibat ibang mukha ng buhay mula pilipinas at mga pinoy sa ibang bansa na hindi nag atubiling na subukan ang buhay sa loob ng bahay. Meron din mga taong nainis sa ibang housemates ngunit ito ay hindi naging sagabal sa housemates na harapin ang hamon dahil sila mismo ay walang kaalam alam kung ano ang nangyayari sa labas ng bahay. May mga na inlove din sa loob ng bahay at ito ay sinubaybayan ng sambayanang Pilipino.
Sa loob ng bahay ay may mga regulasyon na dapat sundin ang mga housemates, kahit nagkaroon na nang season 1, celebrity edition at teen edition marami pa rin ang mga housemates na nag violate sa alituntunin sa bahay ni kuya. Kung saan ay dito nabigo ang ibang housemates sa pagkaka force eviction at automatic nominations tuwing eviction night. Mahirap nga magpakatotoo sabi nila dahil kahit sa mga taong nanonood ay hindi alalm kung sino ang totoo at ang nagpapakaplastic o ang iba ay gumagamit nga lang ba ng strategy para makuha ang titulo? Sa edition na ito ng PBB ay maraming mga nanagyari kung saan ay may mga taong natutulungan ang mga housemates sa bawat task na malagpasan nila at ang higit sa lahat dito ay pagpapagawa ng isang paaralan sa ILOILO kung saan ay maraming kabataan ang matutulungan para sa kanilang edukasyon at kinabukasan,naging possible ito sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga pagkaing patok tuwing summer at ito nga ang nagging bunga ng pagsubok na nagawa ng mga housemates.16 housemates ang sumubok sa bahay ni kuya, nagkaroon din ng mother’s day special sa bahay ni kuya kung saan sinamahan sila ng dalawang natatanging ina at isang Slovenian housemate kung saan isang pinoy housemate ang pinadala din sa bansang Slovenia na si Bruce Quebral ang love interest ni Wendy Valdez ang third big winner sa bahay ni kuya.PBB was a phenomenon ika nga sa sambayang Pilipino, gumastos sa pagttxt para iboto ang manok nila na manatili sa bahay ni kuya.
Gustuhin man natin na lahat sila ay manalo subalit iisa lang ang tatanghalin panalo, sa bawat lingo at buwan na lumipas unti unting nababawasan ang mga housemates hanggang sa 4 na lang ang natira. Matatag na hinarap ang buhay sa loob ng bahay, nagpakatotoo at tinanggap ang bawat hamon sa buhay upang manatiling matatag at tumayo sa sariling mga paa.
Fourth big winner with 1,119,714 (21.58%) votes. Giana maria Abrahan kilala bilang Gee ann “sossy assumptionista”sa bahay ni kuya, 21y/o mula quezon city, ang housemates na hinarap ang buhay sa loob ng bahay na matatag at sinikap sa sarili na baguhin ang buong pagkatao nya. Isang manika lover at ang isa sa kanila dito ay si Pamela na na I-give up nya bilang task ni kuya at hindi rin nag dalawang isip si gee ann na ibigay ito.
Third big winner with 1,209,978 (23.32%) votes. Wendy Valdez “ Hot Commercial Babe” sa bahay ni kuya, 24y/o from navotas. Isang housemates na palaban at nagpakatotoo sa loob ng bahay ni kuya kung saan ay kinainisan ng sambayanang Pilipino ngunit mero pa ring naniwala at sumuporta sa housemates na si wendy kahit na merong negatibong pag uugali siyang ipinakita.
Second big winner with 1.286,166 (24.79%) votes. Mikey Perz “ Hip-hop dancing king” ang pagkakilala sa kanya sa loob ng bahay, 22y/o mula sa Switzerland. Isang Eurasian national ngunit ang puso nya ay isang Pilipino, pumasok sa bahay ni kuya na may kahirapan sa pagtatagalog ngunit hindi ito naging hadlang para sumubok sa sa bawat hamon na kanyang pagdadaan. Nakitaan ng galling sa pagsasayaw ang housemates na lalong lalo na sa hip hop dancing.
First big winner garnered the highest txt votes of 1,571,556 (30.29%). Ma. Beatriz Saw “ Sassy Girl “ ang pagkakilala sa kanya sa bahay ni kuya, 20y/o na bicolana ang itinanghal na big winner sa PBB2 sa taong ito. Isang kalmado at prangkang babae na minahal ng sambayang Pilipino kung saan humakot sya ng mahigit isang milyon boto para sungkitin ang titulong BIG WINNER.
And mga Sumusunod ay iba pang mga housemates na sumobok din ng hamon sa buhay ni kuya ay sina Ronel Rapiz mula sa Iloilo, Saicy Aguila ng Bacolod, Robert Woods III ng England, Kian Kazehi ng Makati, Jasmin Engracia mula sa Davao, Bruce Quebral ng Rizal, Dionne Monsanto ng Cebu, Jeremy Hidano mula naman sa Japan, Mariciris Dizon ng Italy, Mikah Dizon ng Baguio, Elmo Cruz ng Quezon City. Na kasama din nila ang mothers day special housemates ng PBB2 na sina Yen at Giei. Ang ang Slovenian housemate na si Tina Semolic.
Naging kontrobersyal man ang season na ito ng PBB ngunit matatawag pa rin natin na isang successful TV reality show ito dahil naging usap usapan din ito sa loob at labas ng bansa. Sa ABS-CBN at TFC ( The Filipino Channel ) maraming salamat sa inyong patuloy na pagawa ng mga shows na de-kalidad at upang ipakita ang kagalingan ng pinoy saang sulok man ng mundo.

Malaysia launches food festival in Kuwait at Holiday Inn downtown. September 10-20, 2006
more pictures at http://s86.photobucket.com/albums/k117/negri_sembilan_kuwait/?sc=1&addtype=local